Two days ago was the last day of my freshmen life in college
I've learned so much when I stepped in to my college year.
Una, once na tumuntong ka na sa iyong bagong eskuwelahan
ito ay simula na ng bagong chapter ng iyong buhay.
Maaring may mga makikita ka parin na mga kakilala mo
ngunit napatunayan ko na hindi na kayo magiging katulad ng dati.
Madalas hanggang ngiti at bati nalang kayo sa isa't isa.
Kung hindi maganda ang experiences mo nung highschool ka,
panahon na ngayong college na magbago ka. Baguhin mo ang ugali
mo na alam mong ikasisira mo.
Sa college, di lang puro talino ang kailangan.
Dapat din ikaw ay may sipag, tiyaga at diskarte.
SIPAG. Dapat masipag ka ng pumasok. Kung nung High School ka
ay pwede kang di pumasok kapag tinatamad, sa college hindi
na pwede iyon. At kahit bumabagyo o baha na sa dadaanan mo
may pasok parin ang mga college students. Di na kayo mga bata!
Kailangan marunong na kayong labanan ang malakas hangin at ulan.
Sabi nga nila eh "every absent counts"
Dahil sa college uso na ang F/A. ( Failure due to absences )
Bawal na rin ang palaging late. Dahil may mga professors na kung
late ka ay di ka na papapasukin sa klase nya
at automatic absent ka na.
TIYAGA. First year college palang ako, naranasan ko ng magpuyat dahil
sa dalawang thesis. Nagpuyat narin ako dahil sa pag eedit ng videos.
Naranasan ko na din na pumunta sa malalayong
lugar na di ko akalain na mapupuntahan ko.
Kailangan sa kolehiyo ang tiyaga. Tiyagang mag research.
Tiyagang bumyahe sa mga malalayong lugar.
At tiyaga na mag aral. Pahirap na ng pahirap
ang lesson every sem. Kung di mo ito aaralin, uulit ulitin
mo ito hanggang sa makapasa ka.
DISKARTE. Kung dati noong gradeschool at highschool ka pa
sanay ka na may service ka or sanay ka na hinahatid ka ng
parents or yaya mo papunta sa school, ngayong college iba na.
Malaki ka na. Unang unang requirements kung college ka na
ay dapat marunong ka ng mag commute.
Dapat marunong kang dumiskarte
kung sasakay ka ng LRT o MRT.
Diskarte sa pakikipagsiksikan at pakikipagtulakan
makasakay lang agad sa tren na punong puno na ng tao.
H'wag lang malate sa klase. Titiiisin mo ang init, sikip
at mga halo halong amoy. Amoy pawis amoy, ng pabango
at kung anu ano pa.
Kailangan mo rin magtiis sa mga makakasakay mo na maiingay.
Mga naka earphones na nga pero parang naka loudspeaker parin
sa lakas ng tunog eh parang basag na eardrums nila.
At higit sa lahat ay yung mga lalaking nagtutulog tulugan o patay malisya
wag lang mapatayo sa kinauupuan.
One year down, three to go.
I know madami pa ko haharapin na challenges
through my college years.
But I know I can do all of those things through MY GOD.